IT PARA SA MGA ESTUDYANTE NG QC PALALAKASIN NI MIKE DEFENSOR


Naniniwala si Quezon City mayoralty candidate Mike Defensor na malaking bentahe para sa mga estudyante ang kaalaman tungkol sa makabagong teknolohiya ngayon, kung kaya pagtutuunan nito ng pansin ang pagpapalakas sa Information Technology skills ng mga mag-aaral sa lungsod.


“Sa panahon ngayon, nakalalamang ang mga mayroong kaalaman sa computer at internet kumpara sa wala. Kaya naman nais kong pagtuunan ng pansin ang pagtutulak sa pag-aangat ng antas ng mga pasilidad at iba pang kagamitang pang - Information Technology sa lahat ng pampublikong paaralan sa ating lungsod,” ani Defensor.


Nais ni Defensor na manguna ang Quezon City sa pag-hulma ng mga mag-aaral na bihasa sa IT at iba pang larangan ng makabagong teknolohiya.

“Sa kalaunan, lahat ng mag-aaral sa high school sa ating lungsod ay magtatapos bitbit ang kaalaman sa makabagong teknolohiya. Ang Quezon City ay magtutustos ng mga high school graduates na bihasa sa IT para mapaghandaan ng mga batang ito ang kanilang pag-aaral sa kolehiyo o kaya’y ang paghahanap ng trabaho,” dagdag ni Defensor.


Kasabay nito, naniniwala rin si Defensor na malaki ang pangangailangan na suportahan ng pamahalaang lokal ang mga pangangailangan ng mga guro upang palakasin ang kanilang kaalaman hinggil sa mga subject na English, Mathematics at Science.


“Para maging bihasa ang kabataan sa IT ay kinakailangan nila ng mga guro na may taglay na husay sa mga asignaturang Ingles, Matematika at Agham. Tulungan natin ang ating mga guro sa pampublikong paaralan na palakasin ang kanilang kaalaman sa pamamagitan ng mga pagsasanay at makabagong teknolohiya sa edukasyon,” ani Defensor.


Samantala, habang nais nitong itaas ang kaalaman ng mga mag-aaral sa makabagong teknolohiya, nais din ni Defensor na isabay ang values education at formation sapagkat ito ay mabisang pundasyon upang lumaking responsable at kapakipakinabang na mga mamamayan ang bawat mag-aaral.

0 comments:

    Kay tamis ng ating samahan sa lungkot at kaligayahan. Tunay na kaibigan, kasamang maaasahan. Salamat at tayo'y may pinagsamahan. Salamat, tunay kong kaibigan

    (Salamat, by The Dawn)

    Mike has always been dear to us since we were kids. He’s a good friend who came running when we needed him. Mike was the go-to guy even before he became Cong. Mike, and then Sec. Defensor. Many of us knew he was destined for public service. Mike was the consummate politician, a trait he developed since grade school. We thought he would go on to become president, if he didn’t disappoint the fickle Filipino public.

    But it seems he has. So much so that he is vilified by the media at every opportunity. His actions are always placed within the perspective of his relationship with an unpopular president. Justifiable, though harsh.

    So we set up this blog. Some of us have worked with him and have seen him make what we thought were good decisions. But some of us were also there when we thought he made wrong ones. But that is how a man is made -- by the choices he makes.

    As his friends, the best we can do is stand by him and try to help everyone else see things from a different light.