MIKE AT AIKO UMALMA SA PRIVATIZATION NG PUBLIC MARKET

Umalma sina Quezon City mayoralty candidate Mike Defensor at runningmate nito na si Aiko Melendez kasama ang daan-daang market vendors sa lungsod kaugnay sa pagsasapribado ng mga palengke na siya namang isinusulong ng liderato ni Vice-Mayor Herbert Bautista.


Sa harap ng mga market vendors na nagtungo sa kanyang tanggapan, sinabi ni Defensor na kahit harangin pa siya ng sibat, pangungunahan niya ang pagbasura sa naturang plano ng kampo ni Bautista.


Ayon kay Defensor, magdudulot lamang ng dagdag pahirap at gastusin sa mga nagsusumikap ng mga vendor ang ninanais ni Bautista na pagsasapribado ng lugar kung saan naghahanapbuhay ang mga maliliit na manininda.


Base na rin sa karanasan, sinabi ni Defensor na tumataas ang upa ng mga vendors at humihina ang kanilang benta kapag nasasapribado ang pamilihan na kinatatayuan ng kanilang mga negosyo.


“Siyempre kung isasapribado ang isang pamilihan, magiging negosyo ito ng sinumang bibili sa pamamagitan ng pagtataas ng renta. At kung mataas ang upa, dagdag gastos ito sa kanila,” paliwanag ni Defensor.


“Kadalasan, tuluyan na ring namamatay ang mga negosyo sa loob ng palengke kasi pagkatapos nilang magtaas ng presyo para habulin ang upa, sa labas na lang ng pamilihan sila bumibili kung saan mas mura ang mga produkto,” dagdag pa ni Defensor.


Samantala, umani ng pagbatikos mula kay Melendez si Bautista dahil sa pagsuporta nito sa pagsasapribado ng mga palengke. Partikular na tinutulan nito ang posisyon ni Bautista na kailangan ng lokal na pamahalaan ng dagdag kita bilang pagtatanggol sa privatization.


“Wala atang pakialam si Bistek sa kapakanan ng mga maliliit na negosyante tulad ng mga market vendors kaya sinusuportahan nito ang privatization ng public market,” ayon pa kay Melendez.

0 comments:

    Kay tamis ng ating samahan sa lungkot at kaligayahan. Tunay na kaibigan, kasamang maaasahan. Salamat at tayo'y may pinagsamahan. Salamat, tunay kong kaibigan

    (Salamat, by The Dawn)

    Mike has always been dear to us since we were kids. He’s a good friend who came running when we needed him. Mike was the go-to guy even before he became Cong. Mike, and then Sec. Defensor. Many of us knew he was destined for public service. Mike was the consummate politician, a trait he developed since grade school. We thought he would go on to become president, if he didn’t disappoint the fickle Filipino public.

    But it seems he has. So much so that he is vilified by the media at every opportunity. His actions are always placed within the perspective of his relationship with an unpopular president. Justifiable, though harsh.

    So we set up this blog. Some of us have worked with him and have seen him make what we thought were good decisions. But some of us were also there when we thought he made wrong ones. But that is how a man is made -- by the choices he makes.

    As his friends, the best we can do is stand by him and try to help everyone else see things from a different light.