PARA SA TUNAY NA PAG UNLAD

MIKE DEFENSOR DIDIIN SA PAGSASAAYOS NG INFORMAL SETTLERS SA QC

Tiniyak ni Quezon City mayoralty candidate Mike Defensor na kabilang sa prayoridad nito ang pagtulak para sa ganap na pag-unlad ng lungsod sa pamamagitan ng pagsasaayos ng mga informal settlers ng hindi ipinapatapon sa ibang lugar.

“Walang sinumang informal settlers ang dapat na ipatapon palabas ng Quezon City dahil hindi natin dapat ipasa sa ibang lungsod ang pagkalinga sa ating mga kababayan, gayundin, hindi nila ginusto na maging mahirap,” pahayag ni Defensor.

Nanindigan din si Defensor na puwedeng gawan ng paraan ng pamahalaang lokal ang usapin ng palupa, partikular na ang posibilidad ng relokasyon sa loob mismo ng lungsod sa pamamagitan ng pagsusulong ng Community Mortgage Program (CMP) at aktibong pagkilos ng konseho sa pamamagitan ng pagpapatibay ng ordinansa na tunay na kakalinga sa kapakanan ng mahihirap.

Batay sa karanasan ni Defensor bilang Chairman ng Housing and Urban Development Coordinating Council ng mahigit sa tatlong taon, karaniwang nagiging problema ng mga informal settlers ang mga pangunahing pangangailangan tulad ng elektrisidad, malinis na suplay ng tubig, paaralan at trabaho sa bawat lugar na paglilipatan sa kanila.

Naniniwala si Defensor na pagtakas sa responsibilidad ng sinumang liderato ang relokasyon sa ibang lugar at hindi ito ang solusyon upang matulungan ang mga informal settlers sa lungsod.

“Titiyakin ko na ang lahat ng informal settlers sa Quezon City ay hindi na tawaging iskuwater sa sarili nilang lungsod,” ayon kay Defensor.

Matatandaan na sa panahon ng panunungkulan ni Defensor sa HUDCC, naitaas nito sa 265% ang bilang ng mga pamilyang nabenepisyuhan ng CMP. Sa kabuuan, nagkaroon ng katiyakan sa paninirahan ang 882,823 pamilya sa buong bansa.

0 comments:

    Kay tamis ng ating samahan sa lungkot at kaligayahan. Tunay na kaibigan, kasamang maaasahan. Salamat at tayo'y may pinagsamahan. Salamat, tunay kong kaibigan

    (Salamat, by The Dawn)

    Mike has always been dear to us since we were kids. He’s a good friend who came running when we needed him. Mike was the go-to guy even before he became Cong. Mike, and then Sec. Defensor. Many of us knew he was destined for public service. Mike was the consummate politician, a trait he developed since grade school. We thought he would go on to become president, if he didn’t disappoint the fickle Filipino public.

    But it seems he has. So much so that he is vilified by the media at every opportunity. His actions are always placed within the perspective of his relationship with an unpopular president. Justifiable, though harsh.

    So we set up this blog. Some of us have worked with him and have seen him make what we thought were good decisions. But some of us were also there when we thought he made wrong ones. But that is how a man is made -- by the choices he makes.

    As his friends, the best we can do is stand by him and try to help everyone else see things from a different light.